Hindi ko alam kung paano ieexpress dito kung gaano ako kasaya na dumating ka sa buhay ko. Pakiramdam ko kasi kahit gaanong kaganda o ka-hyphalutic ang words na gamitin ko e kukulangin at kukulangin padin ako.

Isang taon na nga. Parang kailan lang e ang kapal pa ng mukha kong pabatain ang sarili ko nung magkakwentuhan tayo sa text only to realize what crime I’ve done the day after. Haha. Pero ngayon e wala na kong pakialam sa kung ilang months ang age gap natin. Hindi na ganun kaimportante sa’kin kung ilang taon pa ang dumagdag sa edad ko, ikaw naman ang parating makakasama ko. Kahit hindi na ko magbilang, wala naman itong katapusan. :)

Happy One year of Predestined Friendship, CF. 

Posted Jun 2, 12 #CF

There’s something about you that always makes my heart flip.
Belated Happy Birthday, Heart Flipper! :)

(Source: lovequotesrus, via bananabecs)

13,269 notes | Posted Jun 2, 12 #disciples

The Avengers.

(Source: pilyangsupergirl, via dreamramos)

184 notes | Posted Jun 2, 12 #blah

Dahil sabi nila at siguro kineclaim mo talaga na second debut mo ‘to. Edi ayan! Hahaha. Happy second debut sa’yo, Anak. :)
____ _
I’m really excited to see you that day, kung alam mo lang. Hehe. Parang ayoko na ngang matulog nung 12am after kitang batiin e. Hehe. Pero pinilit kong makapagpahinga para kako may energy ako para mapuntahan ka.
It was Wednesday. May klase ko nun sa rebyu e. Days before that, nakailang diskusyon din kami ng mga housemates ko kung paano ko pupunta sa school mo. Hehe. Hindi kasi nila ko masasamahan bilang may klase din sila. 
Sa labas kami naglunch. Para kong tanga kasi lilinga-linga lang ako all the time that we are eating. Baka kako makita kita. Fail. Pero hindi pa ko nawawalan ng pag-asa. Hehe. Kaya after nung class ko e nakatitig lang ako sa phone ko. Iniintay lang kitang magtext. Isang text mo lang kako e lilipad na ko papunta sa kung nasaan ka man. Pero wala e. Hanggang sa makauwi na ko at masamahan ko na ang ilang kabarkada ko sa SM. Hanggang sa gumabi na. Hanggang sa matapos na ang araw mo.
Sayang. Dala ko kasi ‘yung gift ko sa’yo e. Last weekend, ‘yun lang ang tanging dahilan na nakapagpaalis sa’kin ng bahay. Sa sobrang daming dapat aralin ay hindi na ko nakasimba. Ang hassle lang ng byahe dahil sa bridge construction along the way. Inulan pa. Pero ayos lang kako ‘yun, para sa’yo naman. Tapos hindi ko din pala maibibigay sa mismong araw mo. I could have tried better. I could have risked everything to see you, to greet you personally and to give out a super tight hug.
Kaya hindi ako papayag na hindi kita makita ngayong weekend. Hindi ako papayag. Hindi ako matatahimik. We’ll see each other the soonest, ‘diba? 

Posted Jun 2, 12 #disciples

May 29, 2012 - Tuesday, 17:13

Nalulungkot ako. No apparent reason. Parang ang sarap lang talagang umiyak ngayon. Sakto. Mag-isa lang ako dito sa apartment. Weekly exam kasi nung lima e. ‘Pag natiyempuhan ka naman talaga ng ganitong pakiramdam, oo.

Itulog ko na lang kaya ‘to? Hindi ubra. After lunch kasi nag-power nap na ko. Baka wala na kong itulog mam’ya. Mas deds ako nun ‘pag nagkataon. 

Haaay, hindi na talaga ko sanay maging emo. Hindi na ko kumportable sa ganitong ka-gloomy na pakiramdam. Humina na ang lungkot tolerance ko. Dati-rati e kayang-kaya kong magsurvive ng ilang oras, araw, linggo, even ng ilang buwang ganito. Ngayon ay parang nasosuffocate na ko hindi sa surroundings ko kundi sa polusyon ngayon sa puso ko. Alam mo ‘yung sobrang lungkot mo to the point na pati ‘yung mga bagay o mga taong reason nito ay hindi mo na din maidentify dahil clouded na din ng emosyong nararamdaman mo.

Hindi ko alam kung may namimiss lang ba ako o ano. Kung sino. Kung bakit. Kung paano.

Ang tanging malinaw lang sa’kin ngayon ay kailangan ko ng sariwang hangin. Kailangan kong makatakas dito kahit sa malayong lugar pa ako dalhin ng mga paa ko. Kailangan ko ng isang taong willing padin akong samahan kahit ang maiooffer ko lang sa ngayon ay ang nakakabinging katahimikan.

Posted Jun 2, 12 #blah

If you ask me how I’m doing, I would say I’m doing just fine.
I would lie and say that you’re not on my mind.
But I go out and I sit down at a table set for two;
And finally I’m forced to face the truth,
No matter what I say I’m not over you, not over you.

- Not Over You, Gavin Degraw

1 note | Posted May 26, 12 #blah

Still, I’m constantly missing you.

Still, I’m constantly missing you.

(Source: lovequotesrus)

9,521 notes | Posted May 26, 12 #cf

I never liked cats. Haha. I never liked the idea of having pets in general, actually. Minsan, nacucutan ako sa kanila. Pero minsan lang ‘yun. Siguro 1/30 ang probability nun. Hahaha.
Kaya lang, pagdating ko sa apartment last Tuesday, I’ve found out na may napulot at inampon palang pusa sina Che at Cai. Haha. Mahilig kasi sa pusa ‘yung dalawang ‘yun. Hehe. Ayun. May instant pet sa apartment namin. They named him Gusgus. Mukha daw kasing gusgusin ‘yun nung pinulot nila. Haha. Medyo baby pa naman s’ya. In fact, pinapadede padin s’ya sa ngayon. Kaya okay nadin. Teachable, sweet, at mabait naman talaga. At dahil good boy s’ya, inayos ko ang cat house n’ya bago ko umuwi. Hahaha.
Sabi nga ni Jed, baka daw ‘pag nagkataon e magaway-away pa kami kung sino mag-uuwi at permanenteng aampon sa kan’ya. Haha. 

(Source: weheartit.com, via otakulei)

390 notes | Posted May 26, 12 #dayari

Eto ang everyday scenario sa Big Kuracha’s House. (Kung bakit ganyan ang pangalan ng apartment namin e hayaan nalang natin na ganyan. Hahaha) Alam mo ‘yun, kahit hardcore kami nila Tim mag-accomplish ng household chores lalo na nung Thursday e okay nadin. Masaya naman talaga kahit tagaktak ang pawis. Kahit ano kasi e papasa sa laughing stock criteria namin. Hahaha. Siguro kasi parehas din talaga kami ng likaw ng utak ng mga ‘yun pagdating sa kalokohan, pati sa pagiging mean girl. Wahaha.
Nakakatawang isipin na may mga araw na hindi kami napapagod sa pag-aaral kundi sa sandamakmak na gawaing bahay. Na hindi overused ang utak namin sa pagcocompute at pag-iintindi ng mga Communications and Electronics concepts kundi sa pag-iisip kung anong uulamin the next meal. Na gumigising kami ng maaga hindi para magmemorize ng formulas at conversion factors kundi para iprepare ang basura na kokolektahin ni Kuyang nakasidecar. Hahaha. Nagdadoubt na nga ko minsan kung review ba talaga ang pinunta at tinira ko sa Maynila e. Hahaha. 
Gayunpaman, hindi naman talaga ko nahirapang mag-adjust sa first week of stay ko dun. Siguro kasi pamilya na talaga kami. More than five years ba naman kaming magkakasama e. At super at home na talaga kami sa isa’t-isa.
I just realize that this reviewing thing became lighter and funnier now that I’m with them.

(Source: iwanttogiggle, via bananabecs)

1,582 notes | Posted May 26, 12 #dayari #review

Naalala ko dati na nalulungkot ako tuwing lumuluwas ka sa Maynila. Pakiramdam ko kasi magiging malayo tayo ng sobra sa isa’t-isa. Hindi naman talaga tayo usually nagmimeet ‘pag weekdays e, pero alam mo ‘yun, hindi na posible ‘yung biglaan tayong magkikita para lang magkwentuhan, magfoodtrip, magrant, magrelease ng stress, magcrying fellowship, maglakad-lakad o magoffer ng nolimitsnoboundaries hug.

Ngayon, ako na ‘yung aalis at titira sa malayo ‘pag weekdays. Ikaw na ‘yung maiiwan dito sa’tin. Ang lungkot din pala talaga.

Ang sarap lang isipin kung paano kaya kung nagpang-abot pa tayo. Na dun ka padin nagstay sa place ng tita mo ngayong mag-aapartment na ko. Minimum fare away lang tayo sa isa’t-isa. Isang sakay lang ng jeep mapupuntahan na kita. Masasamahang kumain ng isaw at betamax. Makakatambay na tayo together sa SM malapit sainyo. Magpapalipas ka ng oras dun habang nag-aaral ako. Makakapaglakad-lakad na tayo tuwing pahapon. Hindi naman kamo nakakatakot at delikado dun, ‘diba?

Ang dami sana nating pwedeng gawin. Nakakalungkot lang talaga na hindi man lang natin ‘yun mabibigyan ng pagkakataon. 

3 notes | Posted May 22, 12 #cf